33 reasons why MUNTIK ko nang maiboto si Villar
This post is taken from here
1.) Gumawa siya ng maraming subdivision na WALANG TUBIG.2.) Gumawa siya ng maraming subdivision na nasa ilalim ng TUBIG.
3.) Gumawa siya ng maraming subdivision na NAGTUTUBIG sa putik. Landslide o soil erosion prone kasi.
4.) Marami siyang tinulungang OFW sa HARAP NG KAMERA.
5.) Marami siyang cameraman na binigyan ng trabaho para ikover ang pagtulong niya sa mga OFW
6.) Marami siyang ginawang commercial, nagbuhos na siya ng 4 bilyong piso ( and still growing ) sa TV and radio industry.
7.) Marami ang naaliw sa mga commecial niya, sharpens one’s skill in detecting lies and deceptions.
8.) Marami rin ang natutong magsinungaling, natuto sa mga sinungaling na commercial ni Vilar.
9.) Ngayon hindi na lang mga kriminal ang nagsusot ng orange, pati yung magiging kriminal pa lang ay nagsusuot na rin ng orange.
10.) Maraming pinagawang kalsada si Villar na dadaan sa kanyang mga subdivision.
11.) Yung mga lupang di niya maibenta, sa gobyerno ibenenta…mas mataas pa ang presyo.
12.) Masipag at matiyaga si Villar. Masipag sa korakot, matiyaga sa napangasawa.
13.) Tuta ni Marcos si Villar.
14.) Tuta rin siya ni GMA.
15.) Walang katiwalian na tinutulan si Villar sa panahon ni Marcos.
16.) Wala ring katiwalian na tinutulan si Villar sa panahon ni GMA.
17.) Kung magiging presidente, wala pa ring tututulang katiwalian si Villar lalo na yung sarile niyang katiwalian.
18.) Sarileng pera ang ginastos ni Villar sa kampanya. Halos 4 Billion pesos na po.
19.) Kung paano niya babawiin ang mga nagastos, walng halaga yun kay Villar. Kaso lang, baka maraming subdivision projects ang hihinto dahil ang mga perang nakuha ni Villar sa preselling ng kanyang mga subdivision ay tila sa kampanya niya napunta.
20.) Kamukha ni Villar si Ampatuan.
21.) Kung ngumiti siya ay para ring si GMA, malaki ang ipen.
22.) Ayon sa kanyang campaign jungle, si Villar ay lumangoy sa basura, pati sinasabi niya ay puro basura.
23.)Ayon pa rin sa kanyang campaign jingle, si Villar ay namasko sa gitna ng kalsada, tulad ng ibang pulis at traffic enforcer.
24.) Si Villar ay may bubong na may butas, type model ng iba niyang housing projects.
25.) Si Villar ay hindi trapo, basahan pwede pa.
26.) Si Villar ang pinakamaagang nangampanya. Masipag siya pero ayaw niyang madaig ng maagap.
27.) Si Villar ay nanggaling sa hirap, kaya lalo niyang padadamihin ang mahirap.
28.) Si Villar lang ang may vice-president na nagsabing siya ay corrupt.
29.) Si Villar lang may mall na nasa ibabaw ng simenteryo ( wow, astig !)
30.) Si Villar ang magpapayaman sa bayan natin, katunayan 25 bilyon daw ang gagastusin ni Villar sa election na ito. Madadagdagan ang pera sa circulation.
31.) Si Villar lang ang may kaso na dinudulog ng senado, hindi um-attend ng hearing, pero inabswelto pa rin ng mga kaalyado.
32.) Si Villar lang ang may LIHIM na suporta ni GMA. ( Bakit nga ba? )
33.) Si Villar lang ang bukod tanging presidentiable na hindi mananalo sa sarileng balwarte ( Las Pinas )…. Pati nga sa Star Mall at Metropolis Mall ay di pa rin siya mananalo.
2 comments:
i hope all this 33 are true!Sino ba iboboto mo?
Gracia dear!
Keep on hoping and by the way it's none of your damn business who I would want to vote.
Post a Comment